Sabado, Hunyo 15, 2013

INA, ANAK. rated SPG

R                                                                                                          RATED SPG
Ina,Anak
S                                                   Sa Panulat ni: Giovan Guarino (abjourn 2-2)







“Ma, ano ba ‘yang ibibigay mo sa’kin. Bakit ko pa kasi kailangang ipikit ang mga mata ko?”
“Sige na Lina, buksan mo na yang mga mata mo.” Sabay ngiti.
“Ang ganda naman po! Salamat talaga Mama. Isang mamahaling kwintas. Nako Ma, pangako po mag-aaral ako ng mabuti. Susuklian ko lahat ng ‘to.” Gumanti ng isang matamis na ngiti si Lina.
“Halika dito, ako na magsusuot sayo ng kwintas. Ingatan mo yan ha? Sana nagustuhan mo iyang mumunting regalo ko sayo.”
“Opo Ma. Maraming salamat po ulit”








Mag-isang itinataguyod ni Erlinda ang kanyang anak na si Lina. Namatay ang kanyang asawa noong limang taon pa lamang si Lina. At ngayong siyam na taon na si Lina, ay siya namang maaga nyang pagkakaroon ng buwanang dalaw.
“Maaa! May dugooo!” Hiyaw ni Lina sa ina habang papasok ng tahanan galing sa pakikipaghabulan sa mga kalaro.
“Ano nangyari sa’yo anak? Nasugatan ka ba? Pumarito ka at aking gagamutin.” Sagot naman ni Aling Erlinda habang pinupunasan ang basang kamay galing sa paghuhugas ng plato.
“Ma, masakit po yung tiyan ko. Bigla na lang po siyang sumakit. Hindi ko alam ang dahilan.”
“Nako anak, mukhang mayroon ka ng buwanang dalaw. Napakabata mo pa para datnan nyan.”
“Ano po ba ang buwanang dalaw?”
“Karaniwan itong nangyayari sa mga kababaihan na malapit ng magdalaga. Ngunit sa kaso mo Lina anak, masyado ka pang bata para sa ganitong panibagong yugto ng buhay sa isang babae.”
“Normal po ba ito Ma? Ibig sabihin po ba hindi na ako puwedeng makipaglaro sa mga kaibigan ko?”
“Maaari pa naman Lina, ngunit kailangan mong bawasan ang pakikihalobilo sa kanila.”
“Opo Ma, salamat po. Naiintindihan ko na po. Malapit na akong magdalaga.”
“Oo anak, ganun nga iyon. O sige na, magpalit ka na ng damit at ihahanda ko na ng maaga ang hapunan.”







Mahimbing na natutulog ang mag-ina sa kanilang payak na tirahan. Isang tirahan na gawa sa pawid at kawayan. Mayroon itong isang bintana, sapat na para pumasok ang malamig na bugso ng hangin. At isang hindi kataasang pinto na nagsisilbing daanan. Isang ilawang kandila na siyang nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng mumunting tahanan ng mag-ina. Habang ang hinihigaan naman ng dalawa ay gawa sa buli. Isang uri ng halaman na mainam gawing pahingahan.
Habang si Erlinda at Lina at nasa kailaliman ng kanilang pagtulog, ay pinasok sila ng dalawang hindi kilalang kalalakihan. Dalawang lalaki na may impluwensya ng nakalalasing na inumin. Agad naman na naalimpungatan si Erlinda sa ingay na gawa ng langitngit ng kawayan.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Sambit ni Erlinda na pupungas pungas pa ang mata.
Agad naman siyang sinikmuraan ng isang lalaki. Namilipit sa sakit si Erlinda. Dahilan para mapatirapa sya sa sahig. Sa tulong ng munting liwanag na nanggagaling sa paupos ng kandila, ay naaninag nya ang kanyang anak na ginagahasa ng isa pang lalaki. Awang awa si Erlinda sa kanyang nasasaksihan. Walang kalaban laban ang kanyang anak. Tanging luha at hikbi lamang ang naigaganti ng musmos habang walang habas na pinagsasamantalahan ang kanyang katawan. Agad namang nagdilim ang paningin ni Erlinda matapos na sya ay pagsasaksakin sa likod. Sabay na umalis ang dalawang lalaki. Naiwan ang mag-ina sa loob. Pagapang naman na lumapit si Lina sa kanyang ina na naliligo ng sariling dugo. Muli, pagluha at pagdadalamhati na lang ang naiganti ni Lina habang nakakandong  sa kanya ang duguang ulo ng ina.









Makalipas ang pagpanaw ni Erlinda, ay mag-isa ng haharapin ni Lina ang hamon ng buhay. Buhay na puno ng pagsubok. Buhay na hahamon sa katatagan ng isang paslit tungo sa pakikibaka dito. At isang buhay na walang kinakapitan kundi ang pananampalataya sa Panginoon.
Hindi na bumalik sa tirahan nila si Lina. Sa kadahilanang ayaw niya ng maalala ang malagim na karahasan na dinanas niya at ng kanyang namayapang ina sa kamay ng ‘di pa nahuhuling dalawang kalalakihan. Bagay na lalong nagpapabigat sa kalooban ng kawawang paslit. Naging palaboy at animo’y isang bagong panganak na pusa na patuloy na naghahanap ng kalinga at pagmamahal.
Sa bawat umaga na gigising si Lina ay nakakaramdam siya ng pagkahilo. Ngunit, hindi niya ito pinapansin. Tatayo siya at muling lalakad. Waring alam kung saan tutungo. Pupunta sa bawat kainan na makikita at makikisuyo ng kokonting pagkain. Kapag medyo sinuwerte, nakakakuha siya ng kanin na may kasamang sabaw. Dahilan para sa mumunting paslit na magkaroon ng lakas muli sa paglalakad. Ganyan ang naging takbo ng buhay ni Lina. Mula umaga hanggang sa pagtatakip-silim.
Ngunit sa paglalakad niya isang hapon, ilang hakbang pa lamang ang layo mula sa kainan na hiningian nya ng makakain ay bigla na lamang siya nawalan ng malay. Agad namang tumakbo palapit sa kanya ang may-ari ng kainan at humingi ng tulong. Dinala sa pinakamalapit na pagamutan si Lina, at napag-alaman na ang naging sanhi ng kanyang pagkakawalang-malay ay dahil sa pagod.
Sa pagpapatuloy pa ni Lina, dumerecho siya sa isang bahay-ampunan. Ninais niyang doon na lamang manatili dahil wala namang may gustong kumupkop sa kaniya.
“Lina Medina po.” Sagot ni Lina kay Maria, ang nangangasiwa sa pagtanggap ng mga bata sa bahay-ampunan.
“Ilang taon ka na Lina? At nasaan ang iyong mga magulang?” Sunud-sunod na tanong ni Maria.
“Siyam na taon pa lamang po ak….” Hindi na natapos ni Lina ang sasabihin niya dahil umagos na ang hindi mapigilang nag-uunahang luha niya sa pisngi na nanggigitata sa dumi.
Napabalikwas sa kinauupuan si Maria ng makitang naduduwal ang bata. Agad namang dinala sa pagamutan ng bahay-ampunan si Lina upang matingnan ang tunay na kalagayan ng paslit. Minabuting ipinagpahinga ng doktor si Lina para makabawi ng lakas.





Kinaumagahan…





Dali-daling tumakbo sa palikuran ng kwarto si Lina upang doon dumuwal. Agad niya naman itong ipinagbigay alam kay Maria.
Tama. Positibo. Nagdadalang-tao si Lina. Si Lina na siyam na taong gulang lamang. Hindi makapaniwala ang nangangasiwa ng bahay-ampunan sa sinapit ng bata. Mababakas sa mukha ni Maria ang habag na nararamdaman niya para sa batang kausap na walang humpay naman sa pag-iyak habang kinukuwento ng buo ang bangungot na nagpabago sa takbo ng buhay niya.







Makalipas ang siyam na buwan. Kabuwanan na ni Lina para magsilang ng isang sanggol na lalaki. Kasama si Maria, nagtungo sila sakay ng isang traysikel sa ospital na nagpapatakbo rin ng bahay-ampunan. Masyadong sensitibo ang pagbubuntis ni Lina dahil sa kanyang kabataan at abilidad na magsilang sa normal na proseso. Kaya naman nailabas ang sanggol sa sinapupunan ni Lina sa hindi normal na paraan.
Makalipas ang ilang araw, maayos na ang kalagayan ng bata pati na rin si Lina. Kapiling ni Lina sa kanyang tabi ang isang anghel. Anghel na hindi niya hiniling, ngunit ibinigay sa kanya ng Maykapal bilang isang biyaya.
Hindi pa man pinapayagan ng doktor na maglakad lakad si Lina, ay naglibot na sya sa labas ng ospital. Karga-karga ang anak na nakabalot sa puting tela. Nang magkaroon ng pagkakataon ay palihim siyang tumakas. Karay-karay ang anak na mahimbing ang pagkakatulog. Mabilis at maingat ang bawat hakbang ni Lina. Animo’y may humahabol na kung sino.
Nang makaramdam ng pagod, nagdesisyon siyang iwanan ang sanggol sa tapat ng isang malaking bahay. Wala siyang ideya kung sino ang nakatira doon. Ngunit, iisa lang nasa isip ni Lina. Ito ay ang ispekulasyon na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang anak sa tahanang iyon. Bago niya ito tuluyang iwanan, inilagay nya sa loob ng telang bumabalot sa sanggol ang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Saka mariing hinagkan sa pisngi ang anak at tuluyan ng iniwan ang walang muwang na sanggol.








MAKALIPAS ANG MAHIGIT DALAWANG DEKADA….






“Pare naman, marami ka ng nainom. Mabuti pa at umuwi na tayo. Ihahatid na kita sa bahay mo.”
“Sige na pare, mauna ka na! Lalanguin ko lang ‘tong sarili ko. Pare, gusto kong makalimot. Kahit pansamantala lang na makalimutan ko si Melissa. Eh pare kasi ang sakit sakit ng ginawa niya. Tatlong taon kaming nagsama pare, tapos iiwan niya lang ako bigla? Ang sakit eh.”
“Gerard, pare. Bukas mo na ipagpatuloy ‘yan.” Sabay kuha ng baso sa kamay ni Gerard at inalalayan ito papuntang kotse.





Gerardo Bautista. Kilala rin bilang Gerard. Dalawampu’t limang taong gulang. Nag-iisang anak. Matagumpay sa karera. Kaya naman namumuhay ng malaya. Mayaman ang kanyang magulang, nakabase na ang mga ito sa Amerika.
Naiwan siya sa Pilipinas dahil siya ang pinagmanahan ng kaniyang ama ng mga kompanyang pag-aari nito. Ipinangasiwa sa kanya lahat ng transaksyon ng kompanya. Dahil nakapagtapos ng isang kurso na kaugnay sa pangangasiwa ng kabuhayan sa isang kilala at eksklusibong unibersidad dito sa Pilipinas, ay nahahawakan niya naman ng matagumpay ang inihabilin sa kanya ng kanyang ama.






SA BAHAY-ALIWAN





“Bakit wala kang kasama?” Tinig ng isang babae na galing sa katabing upuan.
“Hindi pa nadating yung kaibigan ko. Papunta pa lang siya.” Sagot naman ni Gerard na hindi man lang sinulyapan ang babaeng kausap sabay higop ng isang mamahaling alak.
“Joy nga pala. Ikaw anong pangalan mo guwapo?” Tanong ulit ng babae.
“Gerard.” Tipid na sagot niya.
“Isang bote pa nga ng alak para sa kasama ko.” Si Joy. Sumenyas sa bartender.
“Saglit lang po.” Tugon naman ng bartender.
“Mukhang hindi na darating ang hinihintay mong kaibigan ha?” Balik ng pansin ni Joy kay Gerard. Habang sinasalinan ng alak.
“Gusto ko maging masaya. Mapapasaya mo ba ako ngayong gabi?” Titig ni Gerard kay Joy na animo’y may ipinahihiwatig.
“Sige ba, tara!” Uminom ng huling laman ng baso at sabay yakag na kay Gerard.







Dumerecho sila sa bahay na pagmamay-ari ni Gerard sa isang sabdibisyon. Naging mainit, mapusok, at mapaglaro ang gabing iyon para sa dalawa. Dalawang bagong magkaibigan na ngayong gabi lang rin nagkakilala. Kapwa hindi pa ganoon kakilala ang bawat isa. Na ngayon ay nagsasalo sa iisang laro. Larong parehas magiging maligaya ang dalawang manlalaro. Larong walang talo at walang panalo. At larong walang sinusunod na panuntunan. Parehas hapong-hapo ang dalawa. Nakahiga sa dibdib ni Gerard si Joy na parehas natatakpan ng iisang kumot.
“Iwan mo sa’kin ang numero ng telepono mo. Gusto pa kitang makilala, Joy.” Binasag ni Gerard ang panandaliang katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa.
“Akin na ang telepono mo.”  Tugon ni Joy habang hinahaplos ang mabuhok na dibdib ni Gerard.
Matapos ang gabing iyon, madalas ng magkita sina Gerard at Joy. Napapadalas na rin ang pagsasama nilang kumain sa labas. Nanunuod ng sine. At mas nakikilala pa nila ang bawat isa. Matapos ang tatlong buwan na pagkakaibigan, nagpasya na si Gerard na ligawan si Joy. Bilang hudyat na handa na siya ulit magmahal. Ang magmahal sa katauhan ni Joy.






“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hmmm… Joy, gusto kitang ligawan. Pumayag ka man o hindi, may pag-asa man o wala, liligawan pa rin kita.” Lakas-loob na pag-amin ni Gerard habang nasa isang mamahaling kainan sila.
“Sigurado ka d’yan Gerard? Aba eh, halos sampung taon ang tanda ko sa’yo. Hahaha!” Tugon ni Joy wari’y may halong pang-aasar.
“Hindi isyu sakin kung gano kalayo ang agwat ng edad natin sa isa’t isa. Ngayon ko lang naramdaman ulit ang magmahal. Nakita ko sa’yo lahat ng hinahanap ko.”
Sumilay sa mga labi ni Joy ang isang matamis na ngiti. Nagpapahiwatig na pumapayag siyang magpaligaw sa lalaking natututunan na rin niyang mahalin.
Tumango-tango si Joy. Hudyat na nga na pumapayag na siya. Kasabay ang hindi pa ring namamatay na ngiti sa mga labi.
Makalipas ang isang buwan na panliligaw, ay opisyal ng sinagot ni Joy si Gerard. Niyaya ni Gerard si Joy na dun na lang siya tumira sa kanyang bahay ngunit tumanggi ito.








“Masayang kaarawan mahal! Hinintay ko talaga na mag-alas dose ng hatinggabi para batiin kita sa espesyal na araw para sayo. At espesyal na araw rin ito para sa’kin kasi isang taon na tayo! Anibersaryo na natin mahal! Ngayon na matutupad ang ipinangako mo sakin. Dito ka na titira sa bahay. Magkakasama na tayo. Ngayon palang hindi na ako makatulog sa sobrang saya na magsasama na tayo sa wakas sa iisang bubong. Tawagan mo lang ako kapag tutulungan na kitang maghakot ng gamit mo ha? Mas mabilis pa sa kung sinong superhero ang iyong lingkod. Ako si Gerard, laging nasa serbisyo! Hanggang dito muna. Mahal na mahal na mahal kita.”
Isang mensahe ni Gerard kay Joy.







“Magandang umaga mahal ko. Salamat sa mensahe mo kagabi ha? Nakakatuwa ka talaga. Punta ka na dito sa bahay. Tulungan mo na ‘ko maghakot ng mga bag at maleta ko. Dapat sa loob ng labinlimang minuto andito ka na ha! Dalian mo na.” Si Joy, kausap si Gerard sa telepono.
“Ay! Ay! Mahal ko. Parating na ‘ko.”







SA BAHAY NI GERARD….
“Ako nagluto nyan lahat! Pasado ba ang lasa, mahal ko?” Tanong ni Gerard habang pinagmamasdan ang nobya na kumakain.
“Hmmmm…”
“Panget ba ang lasa?” Si Gerard habang nakasimangot.
“Puwede ka ng mag-asawa! Marunong ka ng magluto!” Hiyaw ni Joy.
“Ayoooon ohh! Dahil sinabi mo na puwede na akong mag-asawa….” Pagpigil ng pananalita ni Gerard.



Panandaliang nanahimik ang dalawa.




“Joy, sigurado ako sa nararamdaman ko sa’yo. Sana ganoon ka rin sa akin.” Mahinang pasabi ni Gerard.
“Oo naman. Seryoso ako sa’yo Gerard.”
“Naniniwala akong ito na ang tamang oras. Joy, gusto kong pakasalan ka. Gusto kita maging asawa. Gusto kong gawing panghabang buhay ang relasyon na ‘to. Gusto kong maging iisa ang apelyido natin. Gusto kong maging ina ka ng mga magiging anak ko.”
Sabay dukot sa bulsa. Lumuhod si Gerard sa harap ni Joy. Kinuha niya ang kamay ng nobya at…
“Papakasalan mo ba ako, Joy?”
“Oo naman Gerard!” mangiyak-ngiyak na tugon ni Joy.
Sinuot ni Gerard ang singsing sa palasinsingan ni Joy. Lubos namang natuwa si Joy na hindi matigil sa pagluha.






Niyapos ni Gerard si Joy. Hinagkan ng pagkamariin. Nagpatitumba sa kama ang dalawa. Kapwa sabik sa bawat isa. Animo’y parehas uhaw sa pag-ibig. Nag-umpisa ng magtanggalan ng saplot ang dalawang manlalaro. Nang kapwa ng hubad, dali daling nag-isa ang kaninang dalawang katawan. Sinasabayan ang bawat indayog at paggalaw ng malambot na higaan. Saksi ang mga kandilang nasa lamesa sa pagiisang katawan ng isang lalaki at isang babae. Parehas na hapong-hapo na natapos ang dalawa. Kahit nasa malamig na kwarto ay tagaktak ang pawis na sya namang napunta sa kobre-kama.





“May isa pa kong regalo sa’yo. Isang bagay na pinakaimportante sakin. Bigay sakin ito ng mama ko. Sana magustuhan mo siya.” Nakangiting sabi ni Gerard.
“Oo naman. Basta galing sa’yo, tiyak na magugustuhan ko yan.” Gumanti rin ng maaliwalas na ngiti si Joy habang nakahiga sa mga bisig ni Gerard at pinipisil ang matangos na ilong ni Gerard.
Tumayo si Gerard at kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang maliit na kahon. Pagkakuha’y dali itong iniabot kay Joy.
“Buksan mo na.” Utos ni Gerard.
“Ito na nga eh.”






Nanlaki bigla ang mga mata ni Joy sa nakita niya. Dali-dali niya itong isinara. Pagdaka’y tumulo ang luha sa mga mata niya. Lumapit naman karakaraka si Gerard sa nobya. Sinubukang punasan ang mga walang patid na pagdaloy ng luha ni Joy. Ngunit, mabilis naman itong natapik ni Joy.
“Matulog na tayo.” Yaya ni Joy
“May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sa’yo?” Nagkaroon ng pagdududa sa mukha ni Gerard na kanina lang ay puno ng kagalakan.
“Wala. Nagustuhan ko siya. Bukas na tayo ulit mag-usap. Ok?” Sagot ni Joy na may kasamang tipid at pekeng ngiti.







Nahuli nang gising si Gerard. Hindi na nya naabutan si Joy na umalis. Wala na ito sa tabi niya. Agad namang tumayo si Gerard at hinanap sa buong bahay si Joy habang isinisigaw ang pangalan ng nobya. Ngunit, hindi niya ito nakita kahit saan mang kwarto ng kanilang bahay. Tumakbo siya papasok ulit sa kwarto niya at tiningnan kung andun pa ang gamit ni Joy. Sa pangalawang pagkakataon,wala na rin siyang nakita. Kahit isang damit, wala.
Sinubukan niyang tawagan ang numero ng telepono ni Joy ngunit ayaw nito sagutin. Nakailang ulit siya, ngunit ayaw talaga sagutin ni Joy ang tawag.
Napaupo sa kama si Gerard, unti-unti na siyang lumuluha. Hinagis niya ang dalawang malalaking unan. Sumambulat ang isang papel at ang maliit na kahon na ibinigay niya kay Joy. Agad niyang kinuha ang papel. Sulat iyon ni Joy.




Gerard,
Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo. Mahimbing ang pagkakatulog mo. Ayokong gambalain ka. Siguro, ang kapal na masyado ng mukha ko para makapagsulat pa sa’yo. Pero gusto kong malaman mo, ang kwintas na ibinigay mo sakin, sakin galing yan. Ibinigay ko sa anak ko ng iwan ko siya sa isang mayamang pamilya.
Pasensya kung hindi rin ako nagpakilala sa’yo ng totoo. Ako si Lina Medina. Hindi Joy ang tunay kong pangalan. Ako ang iyong ina. Ang matagal mo ng hinahanap. Hindi ko akalain na ganyan ka na kalaki anak. Patawarin mo sana ako kung ipinamigay kita. Inisip ko lang ang magiging kinabukasan mo kaya ko yun nagawa sa’yo. Sa naging relasyon natin, patawarin mo rin ako. Wala talaga akong ideya na ikaw ang matagal ko na ring hinahanap na anak ko. Sa ganitong punto pa tayo nagkita. Hindi ko sinasadya na mahalin ka bilang nobyo ko. Hindi bilang isang anak. Wala na ‘kong maihaharap na mukha sa’yo sa sobrang kahihiyan. Patawarin mo sana ako anak.
Lina Medina










Sobrang nanghina si Gerard sa nabasa niya. Napasalampak na lang siya sa sahig ng kwarto niya at paulit-ulit na sinusuntok ang gawa sa bato na sahig. Nagdudugo na ang mga kamao niya sa walang habas na pagsuntok sa sahig. Gusto niyang magwala. Lahat ng mahawakan niya ay pinaghahagis niya.

Kapwa parehas hindi makapaniwala ang dalawa sa sinapit ng kanilang buhay. Parehas natugunan ang paghahanap ng pupuno ng kakulangan sa pag-ibig, ngunit sa maling pagkakataon at maling tao. Ika nga ng mga nakakatanda, mapaglaro ang tadhana. At malas ka kung ikaw napili nilang paglaruan.








Ang lahat ng tauhan, pangyayari, at kaganapan ay pawang produkto lamang ng malikhaing pag-iisip ng manunulat. Ano mang pagkakatulad nito sa pangalan, pangyayari, at kaganapan na kasalukuyang nag-eeksis ay hindi hinango sa mga nakaparehas na pangalan, pangyayari, o maging sa kaganapan.